-->



Monday, May 30, 2005

Gusto Ko Lang I-Post 



PRETENDER KA BA?

Na try mo na bang mag pretend? Yung tipong ayaw mo aminin na hanggang ngayon mahal mo pa rin sya?
Yung todo deny ka, na wa care ka na sa kanya? Na okey lang kung may iba na sya?
Eh anu naman, meron ka na rin naman iba.. kahit alam mo sa sarili mo na sya pa rin talaga..

Anu? Nakaka-relate ba kau?

Parang ang sarap ipamukha sa kanya na mabubuhay ka kahit wala sya.. Okey lang, Mayroon naman dyan iba na nagmamahal sa'yo e.. na masaya ka na sa
piling ng iba.. na di mo na sya gusto.. na hanggang friends na lang kau..

Siguro.. marami sa atin ang ganun ngayon noh?!

Pero naranasan nyo na ba, na habang pinaparamdam mo yun sa kanya yun, ay nasasaktan ka? Kasi nakikita mo sa mata nya na nasasaktan sya.. na mahal ka pa rin nya..

Loko pala kau e! Parehas lang pala kau nag prepretend.. kunwari masaya kayo para sa isa't- isa.. un pala.. haayyy.. parehas kayo nasasaktan..

"Ayoko na nga! Anu ba tong sinasabi ko?!Basta di ko na sya mahal! Ayoko na sa kanya!"

O ikaw pretender ka rin ba?! Anu?!

Image hosted by Photobucket.com


HINDI NA KITA MAHAL

Naranasan mo na bang magsabi nyan??? Kung OO ang sagot mo, pwes! alam mo ba na out
of 10 people na nagsabi nyan 5 ang nagsasabi ng totoo?? yes! meaning 5 ang sinungaling!

Kc, minsan maraming dahilan kung bakit nasasabi yan...

iSiPin MO ito..

Nasasabi ang linyang yan sa mga sitwasyon gaya ng..

NAGUGULUHAN = ito ung mga taong nasa isang relasyon pgktapos eh may iba pang mahal na iba.. kailangan nilang mapaniwala ang sarili na hindi na nila mahal ung isa para mahalin naman ung isa pa. (HALIMBAWA: im sori may iba na kong mahal,
HINDI NA KITA MAHAL) pero echos! ang totoo di ka naman syur kung sino pa talga sa kanila ang matimbang... gets mo? (kung hindi kawawa ka naman..=)

MASAMA ANG LOOB = eto naman ung mga taong katatapos lng hiwalayan o nagawan ng di
maganda sa isang relasyon. (HALIMBAWA: bakit nya nagawa sakin toh! HINDI KO NA SYA MAHAL!) pero ay naku dala lng yan ng sama ng loob mo..sige hinga ng malalim..tulogng mahimbing.. paggising mo bukas naku...sya na naman ang naalala mo..(miz mo noh? =)

BASTED = as in ayaw nya daw sayo.. PARE OKEI KA LNG? (SAGOT: okei lng ako pre, wala
na un hindi ko na rin sya mahal) uyyy pa-macho epek.. SISTER OKEI KA LNG? (SAGOT: yuh im okei, as in hindi ko na sya mahal noh?!) ows? go gurl!

LIHIM NA PAG-IBIG = eto naman ung mga taong ayaw paalam sa kanilang minamahal ang totoo, para lang mapagtakpan ang nararamdaman nila, lalo na't binubuking na sila.. (HALIMBAWA: Hindi ko sya mahal ah, friend lng ang turing ko sa kanya.) ay naku! yan din sinabi ni jolina kay marvin!

PA-I WILL SURVIVE epek = eto ang mga taong gusto ng kumawala sa hawla ng alala ng taong minamahal..(HALIMBAWA: pagod na ko..from now on, kakalimutan ko na sya, hindi ko na sya mahal! smart na ko ngayon, i will survive!) ...hehe sino ka? si kris aquino??

TAAS NG PRIDE = eto ung mga taong di nila maamin sa sarili nila na mahal nila ang isang person kc nga malayo sa standard nila ung gurl/guy or lets say may ibang dahilan..pero nainlab sila. (HALIMBAWA: yun? hindi ko sya mahal noh. ako pa kilala nyo ko) sabay Naka cross ang mga fingers ng kanilang hands and feet!

TAKOT = eto ung mga taong dahil ilang beses na nasaktan sa larangan ng pag ibig, eh ayaw ng magmahal kahit na mahal naman talga nila ang isang taong nagmamahal sa kanila..(HALIMBAWA: ayaw ko ng masaktan ulit...hindi kita mahal.) ..o tapos? hehe

PAGHIHIGANTI = eto naman ung mga taong binabalikan matapos ng hiwalayan...syempre
sobra nga naman sila nasaktan kaya sasabihan nya ng MASYADO AKONG NASAKTAN SA MGA
NANGYARI, HINDI NA KITA MAHAL...o loko bagay sayo!

maraming dahilan, maraming paraan para sabihin natin ito ..pero sana, sa susunod na sabihin mo sa kanyang hindi mo na sya mahal .. eh ung totoo na. Yung kaya mo na, yung sigurado ka, at un talga ang nararamdaman mo..mahirap na.. Paano kung
mawala pa sya?...Paano kung mahal ka pa talaga nya?..Paano na kung mahal ka nya...Paano kung mahal ka rin nya at mahal mo pa rin sya.

At sa ibang taong makakaranas naman neto..pag sinabihan ka ng
HINDI NA KITA MAHAL! / HINDI KITA MAHAL!

chin up! and say...

STYLE MO BULOK! LIARS GO TO HELL!!!



This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory