Ahoy!! (Chips!) Haha! Feeling nasa isang barko!? So, how is you? And you? And you, and you and you? Hrmm...grabe napansin ko lang ah, ang dami na palang nakakapunta dito sa blog ko. Well, that is based dyan sa counter na andyan sa may lower left. Nakakaloka! Di ko lam kung sinu-sino yung mga iyon. Kung sinu-sino kayo. Pero eniweiz, salamat sa pagdaan at pagbasa (?) ng mga "whatever" blog entries ko. Thanks, thanks! *wink* Hala, baka mamaya eh nababasa na toh ni ano...at ni kwan! Haha. Hrmmm...moving on...
Nagugutom ako! Kakainis, may kumain nung ice cream sa frezzer. Kakainin ko yun eh! Hay naku...Shucks! I'm having
one of those days, well if you know what I mean. No, hindi P.G. days as in "patay gutom" days.
Those days as in those-red-colored-flag-days. Haha. Nagugutom talaga ko. Hanap nga muna ko ng food bago ko ituloy toh...*postpostpost*
Ooooohkay, nakahanap na ko ng food! Yehey!!! Haha, ang babaw talaga. Pero naiinis pa rin ako na may kumain nung ice cream. Harmph. So anu ba masasabi ko...habang kumakain..haha! Sa totoo lang, buong araw eh ang dami-daming stuffs na tumatakbo sa utak ko na pwede kong sabihin dito kaso ngayon kung kelan nagttype na ko eh sabog na ung ideas na un sa utak ko. Haay..so please bear with me na lang ha? Siguradong magulo nanaman ang flow ng entry kong ito.
Comment lang sa death ng ating Pope. Actually, I think it was kinda scary. I mean syempre namatay ung Pope so medyo weak ang emotional status ng maraming tao, in mourning ang church and the whole world (tama ba yung mga pinagsasasabi ko?) so baka mamaya biglang magkaroon ng mga terrorist attacks or something. Biglang magkagulo or whatever. Masyado ba kong negative? Haay...pero yun talaga yung naisip ko. Pramis! I am not joking. Hehe. Tapos yung libing kahapon, nakakatuwa. I mean nakakatuwa kasi ang ayos kahit na sobrang daming tao. Tapos yung mga leaders ng different countries andun sila sama-sama. Nagkasama't nagkausap ung mga leaders ng countries na medyo may di pagkakaintindihan kahit ung mga leaders ng countries na ibang religion andun. Parang...nakakatuwa. Basta, nakakatuwa. Alam mo yun, parang nag-unite, i mean nag-unite ang lahat ng tao para kay Pope. How nice diba? Hehe. Ay, basta natuwa ako.
Ikinasal na sina Prince Charles and Camilla Parker Bowles. Well, wala naman masyadong dating sa kin yun. Slight lang. Comment ko, ang gwapo ni Prince William!!! Hahahaha! Whatever. Pero interesting ah, kasi hindi pa rin pala Princess of Wales ang magiging tawag kay Camilla. She will be known as the Duchess of Cornwall instead. Yun ang sinabi sa CNN tsaka sa Yahoo! Eniweiz, ang gwapo ni Prince William. Oooh...nasabi ko na pala yun. Next!
Oooooohhh!!!*scream* Sa April 13 na pala ang opening ng
Finding Neverland. Please go and watch. Haha. Nagpromote daw! Syempre kasi nandun si Johnny Depp eh. Ang gwapo nya dun grabe! (Mas gwapo sya kaysa kay Prince William para sa kin!!) Okay, seryoso na. Maganda yung movie. Mapapasabi ka ng "Ooh! Ganun pala yun..." Tsaka magaling yung batang nag-play as Peter, I dunno his name. Ang galing! Manood ka na lang sa Wednesday. Sh*t, nakakaloka yung Scottish accent ni Johnny dun! Tsaka ung mga titig nya dun sa movie. Ay grabe, kung ako yung tinitigan nya nahimatay na ko! Hahaha!! Kadiri na ba yung mga sinsabi ko, OA ba? Hahahaha!
Hindi pa ko tapos kay Papa Johnny!! Haha. May up-coming film sya...I mean sila nung batang actor na sinasabi ko.

Sya si Willy Wonka and yung bata si Charlie. Hehe. Nakita ko na yung mga ibang clips ng movie sa TV. Nood kau AXN channel, pinapakita dun. Antagal pa nyan, July 15! Eeeek! Omg! Same date ng release ng
HP: HBP!!? Wait...yeah, I think. Weeeeeee!! Asteg!
Hmmm...does he look kinda gay? Ah, no don't answer that. Dun sa
Edward Scissorhands ko talaga sya hindi masyadong type kasi, sya si Edward
Scissorhands eh. Get it? As simple as that. Haha! Tsaka para syang si Michael Jackson dun. Diba?
Okay, tama na ang kaka-Johnny Depp na yan. So punta naman tayo sa school stuff. I already saw my grades online. Yep, nung Tuesday pa. Thank God at maganda naman grades ko. Thank you po Lord! Sobra. Nakakatuwa kasi akala ko mabababa grades ko sa lahat ng subjects. Aaaaah!!
Imagine nakapasa ako sa HID (that's History of Interior Design. As in! My gooooodness! Bagsak ang mga tests ko dun! Grabe. I was expecting to get a passing grade but instead I got an "O.K." grade. Hindi naman sa ayoko ng nakuha kong grade. Gustong-gusto ko nga eh. Nakakagulat lang. As for my RTM grade, well INC yung nakalagay. Sabi ko nga diba naayos ko na yun at ayun nakapag submit na ko ng completion form para maayos na ng office yung grade ko. So nakita ko dun sa completion form yung grade ko. Ilan nakuha ko? Ah, passing grade. Haaay...well atleast hindi ako bagsak! I hope na passing grade nga ang lumabas dun sa card ko pagka naayos na-update na ng office yung grades ko. Eh kasi medyo may konting "kaguluhan" pang nangyari nung inaayos ko nga yung incomplete na yun at tipong nainis pa yung prof ko. Pero hindi ko talaga sinasadya kasi wala akong alam...wala akong alam sa paglakas ng completion form. Haay..sana okay na.
(Wag nyo na lang po pansinin itong paragraph na ito)Anung balita kay Japan? Kay Essswan? Ah...hala bat ba sinasama ko pa yung latter dito sa entry ko! Haha. Balita? Ewan, bakasyon eh. Matagal ko na ngang hindi nakikita si Japan eh, yung latter kasi ang nagpapakita pag nagpupunta ko sa school ngayon. Musta kaya grades nila? Hala! Kinamusta daw o! Hahahaha! Hahahahaha! Ay nako, ewan ko syo Xtina!
Ayan naubusan na ko ng sasabihin. Ooh..ayun may naalala ako. Pero bukas na lang kasi inaantok na ko eh. (Wooshoo! Inaantok daw! Uso pa ba yun?!) Like whatever, wala na akong ibang ginawa dito sa bahay na ito kung hindi matulog at kumain. 12 hrs a day na ako kung natutulog ngayon ah! Haha. Compared nung may pasok pa na 0 hrs a day. Yep, tama ang basa mo, 0 hrs. as in zero hrs. Hehe..cge na nga, mga 3-4 hrs a day naman. Ayoko ng ganito. Ayoko ng nakatambay lang at walang ginagawa. Pero summer eh, walang pasok ganyan lang talaga. Kaysa naman nung may pasok na laging walang tulog at sobrang haggard sa dami ng ginagawa. Sige na nga, aaminin ko na. Gusto ko na rin tong ganito kahit papaano. Haha! *wink*
Pssst...
Finding Neverland ah nood ka!
... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ...
"May tatlong bear sa loob ng isang bahay si Papa Bear, si Mama Bear, si Baby Bear. Si Papa Bear ay malakas. Si Mama Bear ay maganda. Si Baby Bear ay napakaliksi. Tignan nyo, tignan nyo ang saya nila."Hahaha! O, hindi ko gawa yang kanta (yez, kanta yan) ah. Kanta yan ni Jessie, kung nanonood kayo ng
Full House. LSS, si Punky kasi eh paulit-ulit na kinakanta yan nung Thursday with matching dance pa. Ang tagal na LSS noh? Haha.
Finding Neverland on Wednesday, don't forget. Wehehe. (Hmm...parang gusto ko na rin tuloy panoorin uli.)