-->



Friday, April 30, 2004

'stig! 



Woah! Grabe ang bilis! Tapos na ang April, one month to go at June nanaman. Pasukan na! Excited ba ko o ano?! Well, nung start ng bakasyon oo pero ngayon tingin ko tinatamad ako! Wahaha! Ito nanaman ang aking disease. So anung bang pinakakaabalahan ko this summer....well, actually eh..wala! Hay, da life naman talaga oo. Kaya nga ito eh, bored to death na ko. Nakakainis nga eh. Ok rin naman kasi pahingga toh- eh halos isang taon ka ba namang mangarag eh. Wehehe! Pero ayoko pa rin, gusto ko ung mga ginagawa ako kaya nga panay naman ang kain ko. Eeek! Naku, tataba ako nito. Ayoko nun! Kasi naman eh dapat pinayagan na ko mag-driving lessons para may kabuluhan naman ang summer ko. Ito ngayon, pahiga-higa na lang (di naman makatulog kasi sobrang init!), panood-nood ng tv, papunta-punta sa malls, internet-internet. Hay grabe, sabi ko pa nga pagaaralan ko uli ung gitara ko pero hanggang ngayon wala pa rin. Katamad naman kasi eh. Shet, pero tignan na lang natin. May isang buwan pa naman ako para pag-aralan uli ang pag-gigitara. Gudluck na lang. Hay...miss ko na ang classmates ko sa uste!

Nakakatuwa rin pala ano, wala lang kasi ang dami na rin palang nahohook sa Star Circle Quest. Sinearch ko kasi sa Yahoo! eh at ang daming sites na lumalabas, madalas eh puro blog ang lumalabas. Nakakatuwa lang pagbabasahin ung mga posts nila. Hindi naman ako sobrang addicted na sa show na un pero sympre nanonood naman ako. At ito nagulat ako, parang ang may pinakamaraming sites ata eh sina Hero & Sandara. Grabe! Ang bibilis talagang gumawa ng mga fans nila. Eniweiz, sa American Idol naman i think they're down to 6 or 5 na lang ba which means na malapit na matapos. Sino nga kaya ang mananalo dun?! Pero feeling ko malaki ang chance ni La Toya na manalo..pati si Fantasia and si George. Basta silang tatlo, kung ndi nga natangal si Jennifer Hudson eh kasali sya dun sa 3 yun. Sayang lang talaga.



This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory