...than just sitting here and typing this entry for the day. Hehe.
I'm going to post something that I wrote...cause I don't know what to post here. It's a short story (I think) and it's in Filipino.
(ugh...I'm sleepy already so maybe I'll just edit this post tomorrow. hehe..)
It isn't Sunday today, it's actually Monday already. Hehe. I didn't have the time to post my story yesterday cause I was really busy. Eniweiz...here it is!
Nakakainis sya sobra! Bakit ba napaka-walang kwenta nya?! Anu ba kasing nakain nya at nagkakaganyan siya? Ayun, ito tuloy ako ngayon nagchachat na lang sa internet para makalimutan sya.
[ka-chat] bf?
[ako] homes?
[ka-chat] ngek, ang corny mo naman eh! seryoso.
[ako] ok seryoso...
[ka-chat] so meron nga? mustah kau? ;)
[ako] meron b?-cguro ? mustah kmi? wala namang "kami" eh.
[ka-chat] ang labo naman p're!
[ako] ndi ako ung malabo, sya!
[ka-chat] bakit b?
Baket?! Tanungin daw ba ko kung bakit! Eh yan pa naman ang pinaka-ayaw kong tanong. Okay, sya sige! Masubukan ngang saguti...Ganito lang naman ka-simple yun eh. Magkakilala kami - di ko masabi kung friends ba o ano. Gusto ko sya pero di ko alam kung ano nararamdaman nya. Napaka-ewan! Nagpapakita na ko ng motibo, pinapahalata ko ng may gusto ako sa kanya pero yung sira eh hindi ata nahahalata. Wala. Wala lang ako doon sa lecheng yun. Tinitext ko, okay fine nagrereply naman sya pero tignan mo naman itetext ko ng quote ang isasagot sa kin, "Tnx" ni wala man lang smiley or period. Tsaka bat "Tnx"? Pero ok sige, ayos na rin. Minsan naman, "Hehe", bakit un? Nagpapatawa ba ko? Di naman comedy yung sinend ko ah! Nakaka-insulto ka naman 'tol! Minsan naman sobra kung mahiya sa kin! Nababading sa hiya. Eh wala naman syang daapt ikahiya. Di naman sya hubad ah!
Nageemote ako tapos 'tong lokong ka-chat ko biglang hihirit ng: "may gf ba un ha?"
[ako] Anu ba nmang tanung yan?!
[ka-chat] Uuuy...napipikon!! :P
Naku! Sino ba naman ang hindi mapipikon! Tanungin daw ba ko tungkol sa gf nya. Aba malay ko, basta alam ko wala. Kung meron man naloka na ko. Mas lalo na nya kong hindi mapapansin.
[ka-chat] o, andyan k p b?
[ka-chat] peace na tyo. joke lng un nu. :)
[ako] siyure. wlang problema.
[ka-chat] cge tpos ka na magkwnto ngayon ako naman...
Aba at nagkwento nga ng kanyang "lablyp" ang loko! Halos pareho kami ng sitwasyon eh. Pwede naman pero pinapatagal pa. Wala namang hadlang, nagmamatigasan lang - at sya na yun. Torpe pala toh eh. Gusto daw nya yung girl, tinggin nya may chance naman sya pero di raw nya kayang ipagtapat.
[ako] mlaki pla problema mo eh!
[ako] kng ako naging lalaki at nalagay sa posisyon mo...
[ako] matgal ko nang pnagtapat s knya, kami na cguro ngyon.
[ka-chat] ang yabang nman nito
[ako] mahina ka! TORPE!!!
[ka-chat] aray, nasasaktan naman ako...
Nasasaktan sya kasi totoo! Ilalabas ko na lang ang galit ko sa kanya. Nakakainis yung mga ganyang lalaki. Nagpapatagal pa-pinapatagal pa. So nagkwento lang siya ng nagkwento. Nilabas lang nya lahat sa'kin. Aba, fc as in "feeling close". Pamilyas pa nga ang iba nyang kinukwento eh, nakakahinala. Gusto ko nang maghinala na baka sya si...pero hindi, ayoko impossible. Hindi maaari.
[ka-chat] lam mo isa pang dhilan kng bat ndi ko masabi eh dahil may iba pa syang gus2 eh.
[ako] ngek! panu mo nman alam un?
[ka-chat] sympre! basta pag dating sa knya lam ko lahat.
Aba, eh stalker pala tong lokong ito eh. Nakakatakot! Lam daw ba ang lahat!
[ako] anu ba yan. Stalker k pla.
[ka-chat] ndi naman ganun. iba na tlga pag mahal mo ung tao...
[ka-chat] inaalam mo ang lahat tngkol sa knya.
[ako] mahal ah! Wow, how sweet naman. hehehe.
[ako] mabuti pa sya
[ako] eh teka, klala mo b ung iba pa nyang gus2?
At ayun, ka-simple simple lang ng tinanung ko ang haba na ng sinagot. Hindi daw nya kilala at wala pa syang balak kilalanin. Sinabi pang mas may itsura daw sya dun at mas mabait. Ang angas daw ng mukha nung lalaking yun, feeling gwapo daw palagi. Eh teka tinanung ko ba un? Madami pang sinabi ndi ko na nga halos makuha ung iba. Sa kabuuan pa eh dinescribe nya ung lalakeng type nung mahal nya. Hmm...parang nakakahinala na talaga toh ah...
*******
that's it..
corny ba?! I still don't know how to end it. Hehe. I'll just continue it some other time.