-->



Monday, October 24, 2005

Galera Galore 




October 21, Friday

Ang usapan eh magkikitakitz na lang kami sa may bus station sa Buendia. So mga 7am nakasakay na kami ng bus byaheng Batangas Pier-Calabarzon. Hmmm...di pa naman ako masyadong excited nun. Ala lang...hehe. Antok pa ko nun eh, di kasi talaga ko morning person. Almost 2 hours din ang byahe.

Pagdating namin sa pier, hay naku...di ko maintindihan kung bat kami kinailangan pang pagkaguluhan ng mga nagtitinda dun. (Haha! Yuck, artista daw eh!) Ndi kasi sila ung tipo na parang may taga abang sila dun sa mga bumababa sa mga bus tapos hahatakin (ok fine,exagge) ka nila dun sa tindahan nila at pipilitin bumili ng mga pasalubong. Gudness, nakuha pa nilang mapikon ah. Infairness, sila pa ung nainis samantalang kami dapat ung dahil namimilit sila. Enihu, buti at naka-survive naman kami dun. Haha.

So pagkapasok namin dun sa may loob, bumili na kami ng ticket kaagad para sa ferry. 9:15am dapat ung alis kaso antagal mapuno kaya mga 9:40am na kami nakaalis. Mga 1 hour din ung ride, la masyadong exciting kasi la masyadong view...walang dolphins eh! (Hehe. Ghel!) Nagulat ako pagdating namin sa Puerto,dun sa White Beach eh walang mga ibang bangka. Actually parang alang tao dun sa isla...ung mga taga dun lang. Hanggang dun may nangungulit pa rin, ung mga nagaalok ng rooms. Eh meron na kaming tutuluyan eh, dun sa kakilala ni Cza. Well, what can we do eh turista kami!? HAHAHA!
After nun, nasundo na kami ni Cza & nakarating na kami dun sa tutuluyan. Ok naman, madami nga lang lamok pero ok naman, buhay pa ko. Hehe.
So lakad lakad lang kami muna sa beach nun kasi sobrang init pa. Nung mga bandang pa-dilim na nun pa lang kami nag-swim. Tapos syempre pictorial! Haha. At nang dahil dun eh nakilala/nakita ni Cza ang kanyang "most memorable thing?/experience?/PERSON?" sa Puerto. Hehe.

Nung gabi, after dinner tambay sa bar. Ok fine cge, di lang kami tumambay dahil uminom kami. Hehehe. Nung una SMB/Red Horse lang...(SMB ako) tapos naisipan nilang mag-order nung naka-pitcher na. Mindoro's something ung tawag dun, di ko maalala eh. Haha. So shot shot hanggang sa may na-titipsy na. Hehehe. Pero buti dahil di naman ako tinamaan. Tapos may guys na nakipagkilala kay Cza tapos nakipagkilala na rin sa'min. Nakakatawa na nakakainis na whatever kasi parang ang epal & desperate ng dating nila. Hehe.
After nun natulog na ung iba sa'min. Si Punky, may tama na naghukay at nagbaon pa ng treasure nya! Hehehe. Tapos sila Cza, Dane & Aira nakipagbonding till 6am sa kanilang bagong friend...or should I say, boylet?! Hehehe.

October 22, Saturday

Di na ata kami nag-breakfast...medyo na-late din ang aming lunch kasi hintayan matapos maligo. Antagal kasi nung dalawang bading eh! Haha. Joke lang. Cge...antagal
kasi magpa-beauty nila Dane & Krissy. Tapos nagswim rin kami before kumain. After nun, lakad lakad sa beach. Naghahanap ng isang particular person. Hehe. Infairness, nakita naman.

Nagpa-henna din kami. Syempre! Adik ako dun eh, di talaga ko aalis ng beach ng walang nakatatak sa balat ko. Hahaha. Nakakatawa, mala Kitchie Nadal pero hindi. Basta parang ganun na hindi. (Ang gulo noh?!)

Nung sunset na, nagbanana boat kami. Shet! Super wa-poise talaga ako dito I swear!! Hahaha. Pero enjoy pa rin talaga! May na-meet pa kong St.Scho, skul mate dun! Naki-join silang dalawang nung bf nya sa'min. Grabe, most of the time eh tawa ko ng tawa (yes, parang baliw). Lalo na nung time na asa water na kami at umaakyat na kami uli dun sa banana boat. Panung wa-poise?! Hay, basta nako kakatawa talaga. Sabi nga ni Cza eh para daw akong sponge. Hahahaha! Ganito na lang, may utang na loob ako dun sa 6 na kasakay ko sa boat. Hehehe. Ang saya sobra kahit na nagkakasipaan kami pag tumataob ung boat-dami ko tuloy pasa. Pero enjoy pa rin. Sayang nga lng kasi di sumakay sila Punky, Ghel & Krissy. Next time ah! (hehe..talang may "next time" eh.)

Nung gabi, lam ko dapat tatambay lang kami sa may bar at maninipat lang ng pip sila Cza eh. Pero grabe nilibre kami ng beer nung Uncle ni Cza. Nakakalula kasi I think cguro mga 18 bottles un! Exagge noh?! Di naman po kami mga lasenggera. Hehe. Pero astig talaga, salamat sa Uncle nya. Infairness, di naman kami nagpakalasing...may natira naman. Sayang nga eh. Wait, uulitin ko, di naman kami nagpakalasing pero nalasing ako! Anak ng! Hehehe. Wirdo talaga, di ko lam kung bat ako tinamaan. Nung time na rin nun naisipan pa mangulit nung guy na na-meet namin nung isang gabi. At infairness, lam na nyang may tama na ko eh inaalok pa ko ng Red Horse. Talaga naman! Hahaha. Nahimasmasan naman ako after maglakad lakad pero grabe todo emote ako, nakatulala lang sa dagat. Nasabihan pa tuloy ako na ndi naman magiging kalye ang dagat. Haha. Hay naku.

October 23, Sunday

Maaga ko nagising kasi nadidinig ko na gising na sila Cza & Punky. Nagyaya sila magtambay sa beach kaya un bumangon na rin ako. Nakakatuwa kapag morning sa beach, andaming mga bata na nagsswim...Tsaka wala lang, ang ganda ng araw. Haha. Anu bang sinasabi ko?! Isa pa pala, andami dun na nag-aalok ng massage, braid ng hair, bracelets. Nung nakaupo nga kami cguro lahat ng mga nagbebentang dumaan eh inalok kami.

Nung araw na toh, actually parang nung kahapon na ata nag-start na kami tumira ni Punky ng CHUCKIE. Yes, ung "chuck, chuck, chuckie you're chocolate-y....my one and only chocolate-y buddy" Haha. May kanta pa talaga eh. Panu ba naman di talaga kami mapa-you know wat. As in u know, us-no-poo. Hehe. Ibang place kasi kaya medyo nag-iinarts. Si Punky naman eh ganun na talaga since birth.

Nung mga 1pm nagstart na kami mag-pack ng stuffs kasi pupunta na kami sa Calapan. Dun na kami tutuloy sa rest house nila Cza. So un, nag-jeep kami. Grabe, na-shock ako ah dahil punuan ung jeep. Di lang punuan ng gaya dito sa manila. Ung punuan talaga pati dun sa may gitna meron, pati sa bubong nung jeep meron. As in punuan talaga. Medyo scary nga lang nung una eh tsaka ang hirap din kasi 2hrs ung byahe. Patulog, tulog ako sa byahe pero in fairness nasiyahan pa rin ako kahit ganun. Haha. Gusto kasi ung mga ganun eh ung mga mahahabang road trips, actually maikli pa nga ung 2hrs eh. Medyo mahirap nga lang kasi sa pampasaherong (siksikan pa) jeep kami nakasakay.

Pagdating sa Calapan, nag grocery hoping kami! Hehehe. Ung unang pinuntahan namin, un ata ung kila Cza (tama ba?) tapos ung next dun naman sa lolo nya. Stop over na rin dun sa bahay para kumain at na-meet din namin si Melchor, ang kanilang Labrador. After nun, sinundo na kami nung dad ni Cza para ihatid dun sa rest house nila sa Parang. Ang saya nung place kasi medyo malayo sa mga ibang bahay, medyo scary din kasi kami lang andun nun. May hang-over pa sa Puerto! La na kami masyado ginawa, chika chika, kain na lang tapos tulog na kasi maaga pa kami gigising next morning.

October 24, Monday

Uwi na sa Manila...back to reality.

Sumakay kami sa SuperCat pauwi. Natuwa ako kasi nun lang ako nakasakay sa ganun. Sabi ko nga sa mom ko, "parang plane pero ship" haha! Ibig kong sabihin ung set-up ng upuan, ung loob parang sa airplane. Ang di ko lang ikinatuwa eh medyo nahilo ko. Yoko kasi talaga ng mga alon, baka mamaya bigla na lang akong masuka nun. Pero, share ko lang, may special barf bag silang ipinamimigay. Ready talaga eh!

Pagdating sa pier, nako ito nanaman ung mga makukulit na nagtitinda! Sus! Talagang may sumunod pa sa'kin hanggang sa bus! Talaga naman o, sinabi na ngang di ako bibili eh! Kung di ako nakapagpigil ibinalibag ko na sa kanya ung bag ko-mabigat pa naman un. Hahaha. Joke lang, di naman ako ganun ka-violent. Cge na, ginagawa lang naman nya kasi ung trabaho nya. Pero bakit ganun, hindi ba pwedeng kapag sinabihan na sila ng "Hindi." eh titigil na sila?! Masyado bang mahirap un? But enihu, sabi ko nga ginagawa lng nila ung trabaho nila. In d end eh bumili na rin ako, nakakahiya naman kung ndi kasi.

Natulog lang ako sa bus. Di ko lam pero super antok na antok talaga ko. Nakarating kami dito sa Manila mga quater to 1pm ata. Bumaba kami ni Aira sa may Buendia kasi sila didiretso na sa school para kunin ung clearance. Ako naman talagang literal na iniwan ko lang ung bag ko sa bahay at umalis na ko uli. Haha! Ok cge, exagge un...nag-freshen up lang konti, konting chika sa mom ko tapos go na uli. Di naman kasi talaga ko excited magpunta sa skul noh?!


Ayun! So yun ang aming Puerto Galera weekend. EXTREME!!!! (palagi ngang sinasabi ni Punky.)Hehe. Ang saya sa beach sobra, parang di ko nga na-miss mayado tong bahay eh. Hehehe. Ang dami daming pix! (Isipin ko kung magpopost ako.) Actually nasiyahan ako kasi kami kami lang ung magkakasama, bonding and stuff. Tapos ung parang la ka nang ibang iisipin na kung anuman, as in iisipin mo lang eh mag-enjoy. (Pero hrmm...may iba pa rin ako naiisip!Hehehe.)

Parang first time ko atang mag-outing kasama friends?! Ay ndi pala, nagawa ko na pala nung grade school.

Tsaka ang parang saya din tumira sa probinsya, parang ang simple simple ng buhay. Tsaka walang pollution! La pang nakakalat na basura--buti pa dun may rule na bawal magkalat, samantalang dito sa Manila nako, sobrang hirap kung iimplement yun.

Kakapagod nga pero worth it naman...di ko lang malaman kung bat ako nagka-stiff neck. Meron pa rin hanggang ngayon. At ang mga pasa ko sa legs, nangingitim na. Hehehe.

Grabeh, ngayon pa lang nagyayaya na para sa next time.

Image hosted by Photobucket.com



This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory