-->



Monday, October 17, 2005

Sino ba talaga si Grimace? 




Hindi ka ba naku-curious kung ano o sino si Grimace??? Sa mga hindi
pa nakakaalam... si Grimace ay yung batchoy na kulay ube na mascot ng
McDo. Ano ba siya? At ano ba ang papel nya sa buhay ni Ronald?

Sabi sa website ng McDo, eto daw si Grimace:

"Grimace is a big, loving, fuzzy purple fellow who is Ronald
McDonald's best friend. He's sure Ronald is the world's ultimate
authority on everything. While Grimace loves all McDonald's foods,
he's absolutely crazy about milkshakes. Grimace is very enthusiastic
and eager to try new things. His joyous spirit helps everyone
overlook the fact he's a little slow and clumsy sometimes."

Ows? E ano naman ngayon?!?

Actually, si Grimace ay kontrabida na may anim na kamay na nagnenenok
ng milkshakes. Ika nga sa isang website:

"Between Hamburglar (who stole burgers), the Fry kids (who stole
fries), and Grimace, crime was running rampant in the 'McHood."

O di ba... napakagandang ehemplo sa mga kabataan??? Pero ang
pinakamagandang mga teorya ay galing (kanino pa?) kundi sa mga
Pilipino:

unang teorya: Si Grimace ay isang ube mascot. Ung McDo marahil ay may
ice cream o shakes na ube ang flavor.

pangalawa: Si Grimace ay bastardong anak ni Tinky Winky ng
Teletubbies (na natsitsismis na bakla) at isang eggplant.

pangatlo: Siya ay violet na krayola na iniwan ng mga bata (sa
playground ng McDo) sa araw para matunaw.

pang-apat: Grape-flavored drink daw si Grimace... kaya lang maasim un
drink kaya nagmukhang grimace sila... kaya siya tinawag na Grimace!

panlima: Siya daw ang pinaka-suwangit na mascot ng McDo, kaya siya
pinasuot ng costume - purple na costume daw ito na napaka-bigat na
hindi na matanggal! Hehe!

pang-anim: Si Grimace ay lahat ng pagkain sa McDo na hinalo sa
blender....

pampito: Siya ay isang milkshake. Period.

pangwalo: In-introduce daw ng McDo ang kamote french fries sa Pinas
ng pumunta daw sila dito. Kaya daw may mascot na Grimace. Isa siyang
kamote.

pangsiyam: Kakambal pala siya ni Ronald McDonald, kaya lang, retarded
daw si Grimace kaya siya pinasusuot ng purple costume.

pero ito ang pinakamatinong teorya so far...

pang-sampu: Si Grimace, kasama ng iba pang mascots ng McDo, ay
pinakilala noong 70's. Siya ang nagrepresent ng Blueberry milkshakes
na ni-launch sa US. Ang tawag talaga sa kanya ay Evil Grimace, kasi
nga nagnenenok siya ng milkshakes. Galing siya sa isla na puno ng
sigla at puro milkshakes. (Ok, whatever...)

E ano ba ang official word ng McDo???

Well, may tumawag sa McDo to ask nga kung sino ba talaga si
Grimace... Alam mo kung ano ang sinabi ng babaeng sumagot ng
phone.....???

"He's a potato."

Uh... okay! Whatever....



Hehehe. Nagbbrowse lang ako sa mga dating emails ko, nakita ko yan. So may potato pa lang color purple?!?

Image hosted by Photobucket.com



This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory