Okay, so birthday ko pa rin hanggang kahapon (hanggang ngayon pa nga). Hehe. Nag-dinner kami ng kada sa Italiani's, Greenbelt2. Montikan na sana kaming ma-kumpleto magkakasama kaso di pa rin. But eniweiz, masaya pa rin kasi nagkita-kita kami after...di ko na nga maalala kung kelan kami huling nakita-kita. Nakakatawa kasi iba-iba ang mga reactions ko nung nakita ko isa-isa ung mga kabarkada ko. Dun sa una, parang natuwa + nahiya tapos nagulat as in, "Uy! Ikaw pala yan!". Tapos meron din natawa-pero not in a bad way. Dun sa isa naman, nagulat talaga ko, as in, "Sh*t! Baliw. Nakakagulat ka!" Yung huli natuwa, na-touch yung gnun. Haha. Para kong ewan noh. Pero na-touch naman ako sa kanilang lahat actually. Nahiya pa nga ko eh kasi nagbigay pa sila ng regalo. (Naku Pam, nababasa mo nga pala toh. Hehehe.) Wala lang, nahiya lang ako. Dapat ata sinabihan ko kayo eh. Hehe. O tama na, wala na eh, nabigay nyo na. Next time, ok na sa akin ang tot sa "it's da tot dat counts" Haha!
Eniweiz, ayun o di kumain nga kami sa Italiani's at nakantahan pa ko ng Happy Birthday dun dahil sinabi nila sa waiter na birthday ko daw. Sa totoo lang kinabahan ako dun. Haha. Kasi before pa lang kami pumasok may nakita kaming guy na naka-Superman costume. Inisip ko na baka part un sa Happy Birthday gimick nila. Kinabahan ako kasi baka mamaya kung anu gawin ni Superman...if ever! Hahaha! So anu naman ang sinasabi ko?! Don't mind me. Haha. Sinabihan pa ko nung waiter namin, si Maku (haha! Naalala ko pa dahil nasa receipt) na maghanda raw ako! Whatever. Nung tapos na kaming kumain, ayan na lumapit na si Maku kasunod pa ung mga ibang crew. Akala ko cake ung ibibigay nila pero ice cream pala. Infairness ah talagang nilagay pa nila name ko dun sa plate. Enihu, nakakatawa o di before ang kanilang "performance" hinulaan nung I think manager ata kung ilang taon na ako. Guess kung anung sabi nya? 16!! Hahaha! Natawa ko...pero di ko sinabi ung totoo. Haha. 16! Naku, 20 na po ako. So ayun, o di kanta na sila...la naman silang kakaibang ginagawa hanggang sa biglang nagpunta sa harap ung si Maku at nagsasa-sayaw sya dun! Haha! Grabe, sobrang nahiya ako sa kanya! Bigay na bigay pa sya sa kanyang song and dance number. Haay...pag pala nag-apply ka sa Italiani's dapat marunong kang kumanta at sumayaw noh?! (Naku Pam, hanggang nung naka-uwi ako hina-haunt ako nung sayaw nya. Hahahaha!)
After nun...la na, nangalahati na kami kasi nag-uwian na sila. :( Sad pero ok lang, naintindihan ko naman sila. Tsaka la rin naman plans after. Yung time nanaman ang naging kalaban namin.
Carmz, yes aalagaan ko ang ating friendship na mukhang *u know wat*.
Ces, ang cute nung picture frame! Gudluck dyan kay Michael mo.
Celine, ang hilig mo talaga mag-testi! Hehe. Cge, hahanap ako ng okasyon na pwede kong isuot ung bigay mo.
Mabs, natutuwa ako dun sa bunny! Uy,ung pix natin ah.
Pam, ok lang kahit parang 1 yr late...actually advanced pa nga eh kasi 16 y.o. pa lng daw ako dba?! Tsaka I like your hair! Si Hermione ka na talaga. H/H forever! *wink* Hahaha! Walang kokontra.
Salamat uli sa inyo,grabe na-miss ko kayo. Hmmm...so kelan nanaman kaya tau magkikita kita uli? Parang bigla ko tuloy na-miss ang high school days.
Cge,tama na ang kwento 6 hours na lang at papasok na kong skul, di pa ko natutulog! Hmph. Baka bad mood nanaman ako later at maisipan ko uling mag-half pony! Haha!