Kahapon, Manila Day wala kaming pasok kaya nagpunta kami ng mga blockmates ko sa Megamall. May exhibit kasi ung isang org tapos tinanung kami nung class president namin kung gusto namin tumulong kaya ayun. Nung umpisa may feeling nga ako na maglilibot lang kami dun eh, na la naman kaming magagawa. (O, di masaya!) Hehe. Binalak pa nga naming mag-ice skating kaso...hmmm...ewan ko, di ko lam kng nu nangyari.
Ang masasabi ko lang eh grabe, napagod kami! Syempre pa-lakad lakad na kami sa Megamall pero di pa kami nakuntento dun. Nilakad rin namin papunta dun sa Ortigas Home Depot. Haaay...bakit nga ba kasi kami naglakad eh pwede namang mag-taxi! Syempre pagdating dun, lakad pa rin. Grabe, sumakit talaga ung paa ko. Pero infairness, masaya pa rin. Parang naging "adventure". Haha!
So "adventure" pala ah!Mas naging "adventure" nung umuwi na kami! Rush hour. Umulan pa! Ang lakas ng ulan!
Lahat kami nag-commute. Buti na lang may kasabay ako, pareho kasi kaming MRT-LRT ung sasakyan. Nung nakasakay kami sa MRT at LRT di pa ko masyadong nag-worry sa ulan kasi medyo mahina pa naman. Kaso lang nung bumaba na ko ng LRT station sobrang lakas na ng ulan! Kinailangan ko pang mag-patila, pero whatever alang kwenta kasi di rin naman tumigil ang ulan kaya sumugod na lang din ako-sasakay pa kasi ko ng jeep. Naku, ang paglalakad ko sa ulan at pag lusong sa semi-baha ay sobrang wa-poise na talaga! Natatawa ko habang naiisip ko ngayon kasi sobrang wala na talaga kong paki. Lusong na kung lusong, mabasa na kung mabasa. Masabit o maipit na ung payong ko kung saan, la na ko paki. Grabe talaga!
Kailangan ko na talagang matutong mag-drive!!

* Magiging fave subject ko na sana ang College Algeb kung *blank-blank-ayokong-
sabihin-ung-dapat-nakalagay-dito* pero hindi, imposible yun.
* Dapat nag-absent na lang ako nung Thursday at pinuntahan ko na lang ang Hale sa Tower Records. Aaaaaaaaarrrrghh!! Nakakainis. La rin naman kwenta ung class kasi ala naman masyadong ginawa. Kainez!!!
* Isa pang bout Hale, di ko binalak na panoorin sila sa St.Scho nung gabi ring un. Hehe. Pero ndi, mas gusto ko kasi ung up-close tlaga eh. Dapat talaga nag punta kong Tower eh!!! Argh! Moving on...
* Nag-worry ako dun sa sitwasyon ng isang friend namin pero buti ngayon medyo okay na. Hindi na kung anu-ano pa ang iisipin namin.
* May pinapa-email pa nga pala sa kin ung Prof. namin sa Algeb. Oh well...sabi naman nya eh ndi nya ung minamadali.
* Natatakot talaga ko sa subject namin na ICD. Di pa nagdidiscuss pero grabe feeling ko pamatay talaga un.
Mga iba pang wala lang:
* Gusto ko ng puppy!!! Meron bang pwedeng magbigay sa kin?! :) (hehehe...)
* O nga pala, ung title nito astig noh? Di ko gawa yan, nakuha ko yan sa isa sa mga kanta ng
Hale.
Para
sa'yo:
* Ha! Would you believe na nagiging "stiff" daw ako pag andyan ka!? Napapansin mo ba un?