-->



Tuesday, June 14, 2005

Wala Namang Pasok 




Nagising ako ng mga 8am kanina. Natulog ako uli kasi sabi ko hintayin ko na lang mag-alarm ung phone ko ng 8:30. Nag-alarm na pero di pa rin ako bumangon, mga 9:30 na lang tutal maaga pa naman at marami pa kong oras bago ako umalis papasok sa uste. Okay, so bumangon ako ng 9:45. May nagtext, tinanung ako kung papasok ako. Nagreply ako syempre. Sa dulo ang sabi nya sa kin eh ayaw pa daw nya pumasok.

Pagkatapos ng isang oras, nakaligo, nakakain na ko etsetera, etsetera. Magbibihis na ko ng biglang may nagtext uli. Nagtanung din kung papasok ako. Sinagot ko. Sumagot uli, tanung nanaman...anung oras daw ako papasok. Sinagot ko uli. Sumagot nanaman sya, ang sabi nya eh sabi daw nung aming class president may meeting daw yung mga profs namin so wala kaming first subject. Syempre napaisip ako kasi di ko lam yun so tinext ko ung class president namin. Naisip ko na itext na rin ung prof namin tutal lam ko naman ung number nya. Habang hinihintay ko ung reply nila, nagtext uli ung ayaw pumasok, nagdadalawang isip! (Hehe. Peace tayo!) Itinanung nya uli kung papasok ako kasi yung isa naming kaklase hapon pa daw papasok - dun sa second subject namin. Sa totoo lang, nung mga oras na ito nagbabalak na kong wag na talaga pumasok tsaka naloloka pa ko kasi ang dami kong ka-text. Lahat sila tinatanung kung papasok ako!!! Haaay... O nga pala, P3 na lang yung load ko nung mga oras na toh. Kawawa naman yung bro ko kasi ung phone ko ginamit ko. Wehehehe! Hindi nya lam (at wala akong balak sabihin) na madami akong tinext. Hehe.

Mabuti na lang at nagreply yung prof namin at sinabi nga nya na hindi nya kami mami-meet kasi may meeting lahat ng profs. Tsaka sinabi rin nya na bukas pa talaga ang regular class. So ayun, pinakalat ko na yung balita dun sa mga ka-text ko. Buti na lang at hindi pa ko nagbihis. Buti na lang at hindi pa ko nakakaalis ng bahay kung hindi nako...nako,kung san san na lang ako nagpunta. Haha! Kasi naman dapat ganito na lang eh, sinasabi na talaga nila (ng kung sino man) na huwag na papasok pagka-first day kasi wala ka namang mapapala! Dapat ganun na lang eh. Or mas mabuti, wag na lang muna pumasok pagka first week of classes. (Nagsalita, parang gagawin ko talaga un! Haha!)

Bukas, papasok ba ko? Ah...oo cge, "regular" na daw eh! DAW! Tsaka terror yung prof sa isa naming klase bukas eh. Sana naman dumating yung mga prof namin noh.


Image hosted by Photobucket.com


Natamad ako mag-post last weekend, nanood nga pala kami ng Mr. & Mrs. Smith. Okay naman yung movie, para sa'kin hindi fit yung word na maganda...mas bagay ung Astig! Sa totoo lang medyo nahabaan ako dun sa mga ibang scenes na tingin ko eh never na matatapos na. Tsaka syempre andun ung dapat-patay-ka-na-by-this-time-pero-kahit-sugat-eh-wala scenes. Hahahaha! Gets? Pero okay pa rin, sabi ko nga Astig! diba. Favorite part ko ung "drop" ni Angelina galing sa mataas na floor nung hotel. Wala lang, natuwa lang ako parang sobrang calm lang sya na tipong hindi sya nahuhulog. Tsaka gusto ko rin pala ung mga hi-tech gadgets and stuffs nila. So cool!

Gusto ko manood ng War of the Worlds. Mas gusto ko si Tom Cruise kaysa kay Brad Pitt. Kaya lang naman kami nanonood ng Mr. & Mrs. Smith dahil fan ung mom ko ni Brad eh. Haha! Tsinismis eh. Tsaka fan din sya ni JLo! Nung nakita nga nya ung poster ng Monster in Law sa G4 nagpaparinig na sa kin eh. Haha. Ang dami ko nang nasabi. ;)


Image hosted by Photobucket.com



This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory