Hehe. Name ng crush ko dapat ung title eh pero yoko i-reveal ang kanyang name. Basta sya na lang muna si "him". Wala lang, natutuwa lang ako today! Nakita ko sya. Rare ocassion un! Yes, kahit papaano rare ocassion yun miski na nasa isa building lang kami. Eh, marami rin naman kasing ibang tao dun diba tsaka ang schedule hindi masyadong nagmamatch. Wahaha! So does that mean na alam ko and schedule nya?! Siyet, stalker?! Haha, hindi naman..ung lang ang lam ko yung mga oras lang naman hindi na kung anu ung subject nila. Nakita ko sya after almost four days na pag-aanticipate! Kasi naman eh, ang fate medyo pina-excite pa ko. Yuck, anu ba tong mga sinasabi ko. Wala, basta natutuwa lang ako. Nakakatuwa. Nakikita ko talaga sya kung kelan hindi ko ineexpect. Parang kailangan talaga eh nagugulat ako eh. Bigla ko daw ba makita kung kelan uwian na. Basta ang saya! Haaay..naman naman naman! Ang babaw ko talaga noh?! Hay naku ewan ba naman kasi kung bat ako nagkakaganito noh. Pero kahit papaano di ko naman nafifeel ngayon na "pathetic" ako. Basta ang saya! =D