-->



Sunday, June 13, 2004

Nagsisimula nanaman... 




...maging hectic!(or feeling ko lang) Hay naku grabe, biruin mo, 4 days pa lang kaming pumapasok eh may mga plates na kami kaagad. Grabie na itu! Ganito ba talaga kapag second year na?! Masyado naman ata..ayokong isipin kung panu pa kaya sa prelims & finals. Ay, tapos ito pa kapag Friday 7pm ang dismissal namin. Kaya un, susunduin ako..so kapag ma-traffic o di maghihintay pa ko! Kasi eh..kung pinayagan na kasi ko mag-aral magdrive o di sana...HAHA! Tsaka ito pa uli, parang tingin ko ang hihirap ng mga subjects namin! Argh! Shet! Pero hindi, kaya yan! Sa four days naming pagpasok eh hindi ko siya nakita. Ugh..wait, as if naman kasi noh? As if naman gusto ko talagang makita. Ayoko nga! Mabuti nga at hindi ko sya nakita eh..we'll see na lang this week. Eeeekk..naku!

Ay ito, nakuha na rin namin ung class pix! At last! Share ko lang...


click for biggie

Secret kung san ako dyan. Hehe! Make a wild guess..parang ang dali eh!


Tumaas nanaman ang pamasahe! Ngayon wala ng P4.00, P5.50 na ang fare sa jeepney! Anu ba un. P1.50 ang tinaas. Kailangan nanaman akong magtanong sa mga driver kung magkano hanggang UST eh minsan iba-iba pa naman sinasabi ng mga driver.

Bout HP naman, ang saya! Napanood ko na ung TRLs (US & UK) kung san guest sila nun! Ang cute. Sayang nga lang kasi ung sa US hindi ko nasimulan (hrmph, busy kasi sa pagbburn!) kaya na-miss ko ung interview kay Dan and Emma. Sayang wala si Rupert dun. Ung sa UK short lang eh. Tapos un nga, may contest sila dun and prize eh magttrabaho sa set ng GoF! Nanalo ung guy from US. Asteg! May sweldo pa kaya sila- i mean ung nanalo dun? Kung meron double Asteg! Haha! Ang saya noh, ok na nga ung makakapagwork dun sa set plus sweldo pa. Wow.

Ayy! Grabe malapit na ang S2!! As in Spiderman2! Shet, naeexcite ako kasi tingin ko (at mukhang) mas maganda un. Sayang Wednesday and opening day hindi ako makakanood. Hehe, nagbabalak nanaman akong manood sa opening day eh. Sana wala pa kaming masyadong plates pagdating ng June30 para makanood ako.

Argh! Umuulan uli ngayon!!! Nooooo!



This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory