-->



Saturday, May 15, 2004

Troy 




Talagang wala na kong maisip na title kaya masyadong obvious kung tungkol san tong post ko eh. Hay, kakapanood ko lang nun kasi knina kasama ang aking frendz! (Sila rin un kasama ko last week, sa Van Helsing naman.) Para sa kin okay naman ang Troy,exciting kasi syempre may battle sceens. Nag-squirm nanaman ako sa seat ko sa mga duels/battle scenes na un! Specifically ung between Paris and King Menalus pati na ung between Achilles and Hector. Hay grabe! Actually medyo natakot pa nga ako sa scenes na un eh. Malay ko naman ba kasi kung kelan masasaksak or masusugatan ung isa sa kanila. So habang pinapanood ko un.."eeeekk!!". Haha! Maganda...okay naman un movie pero parang may kulang, hindi ko nga lang alam kung anu un. Basta maganda ung movie pero...ayun, basta may "pero". Going to Brad Pitt naman, well...several times din syang pinakitang naked dun. So para sa mga fans nya eh it's really a must to see the movie. Sa akin wala naman dating un,eh ndi ko naman type si Brad Pitt eh. Wehehe. Ay tsaka nagpaka-Legolas pala si Paris (Orlando Bloom) sa bandang end ng movie. Here's a pic from Yahoo!Movies:





Bumili nanaman ako ng mocha freeze at un nanaman ang iniinom ko habang nanonood ng Troy. Hay naku, hindi na talaga ko nadala! Eh panu ba naman may kakaibang epekto sa kin ang inumin na un. Ewan ko..habang iniinom ko eh wala pa naman ung epekto, pero like hours after ayun na. Hindi ko maexplain pero parang nakakapanghina na ewan. Parang nagiging queasy or sumthing like that. Ewan. Ang kulit naman kasi ng lahi ko tlga eh! Two times na nangyari un, third na toh. Ewan tlga, basta iba ang epekto sa kin ng mocha freeze. Weird.

Ay ito pa pala! Before the movie pinakita ung trailer ng Harry Potter: Prisoner of Azkaban! Shet, and saya!!! Mas lalo tuloy ako na-excite! Yezz,malapit na!! June 2!! Mas una pang ipapalabas dito kaysa sa US! Astigenz tlga!! (kahit nga ung Troy nauna ipalabas dito eh) Grabe gusto ko na mapanood! Ang laki na nila! Ito lang..ung mga dementors parang hindi ganun ung inimagine ko. I mean, yeah gnun w/ d hood and stuff pero ung hands (kung kamay ba ang maitatawag dun) hindi ganun. Parang spider slash root naman ung sa movie eh. Freaky!




This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory