-->



Sunday, January 07, 2007

Pwede ba? 




Simula pa lang ng taon sobrang busy na!! Balik skul na kami nung Wednesday. Bibo-bibuhan pumasok pero hindi naman nakinig sa prof. Wahaha. Syempre naman, pagkatapos ng bakasyon kelangan may daldalan. Waaaahh!! Baket ganun, todo react sila sa aking new hair--hairstyle! Waaah!! Nagsisisi na nga ako sa length eh. Hay nako. Ahrm, nagpagupit kasi ako, mga tipong hanggang balikat. Basta maiksi. Waaaah!! Hay...I miss my long hair!!

At ayun, inaasikaso na nga rin namin ung practicum. Ang dami pang i-coconstruct. Natatakot na kami na baka hindi makaabot sa deadline. Kung pwede ngang tumulong na kami dun sa mga trabahador eh. Hehe. Syempre ung mga madaling trabaho lang naman noh, pagpintura, liha and stuff. Grabe, kelangan todo karir na ito! Kelangan magthink positive. Hindi ako pwedeng ma-pressure at maloka ng dahil dito...kasi meron pang mga ibang subjects na demanding din! *ehem* LAR! *ehem* Hay nako, at hanggang ngayon hindi pa ako tapos dun sa uberduper habang research assignment dun noh. Pa-espesyal factor pa kasi ako pa gagawa nung book namin dun sa belen exhibit. Shet talaga, sobrang natatakot ako sa subject na ito!! Paano pa kapag dumating na ung mga plates?! Well, kasi Liturgical arts ang name ng subject na ito...kasama dito ang pagddesign ng simbahan. Kapag sinabi mong simbahan = detalyado. Patay patay na sa plates!!

Ito pa isang pangpadagdag eh, masyado na kong natutuwa sa Princess Hours! Haha. Pero buti na lang na I can still fight the urge to finish all of the 24 episodes sa DVD. Nasa episode 12 pa nga lang ako eh.




This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory