Ang dami kong namimiss kapag ganitong Holiday Season. Well, ever since my Lola passed away parang nag-iba na. May kulang. Syempre. Namimiss ko ung kapag Christmas, as in December 25 mismo, sobrang gulo dito sa bahay. Busy lahat. Lahat kami naghahanda ng food para sa Christmas dinner. Actually, medyo hindi naman kami (family) kasama dun kasi every Christmas dun kami sa bahay Lola ko sa Paranaque naglulunch...so nakikigulo lang kami pagbalik namin ng hapon. I miss my Lola's Kare-Kare. Sobrang fave ko yun kasi every Christmas lang sya nagluluto nun. Special talaga. Well ngayon, yaw magluto ng nanay ko kasi matagal daw palambutin ung stuff. I miss the "noise" here in our house every Christmas. I miss the excitement. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi na ko naeexcite, ewan kakaiba lang kasi talagang ang excitement kapag bata ka. Haha. Yes, kapag bata ka. Alala ko nun sobrang excited kami ng kapatid ko magprepare ng food for Santa. (Yes, close kami ni Santa. Nagiiwan kami ng food para sa kanya.) Yung ayaw pa namin matulog tapos gusto naming bumilis ang oras para mabuksan na namin ung mga regalo. Mwahaha. Tapos come Christmas morning, hindi pa naghihilamos magbubukas na agad ng gifts. Namimiss ko ung kapag mag-oopen ng gift toy ung nasa loob. Hahahaha. At namimiss ko ung marami akong binubuksan na regalo!!! Yun yun eh.
Well, in other words I miss being a kid. Okei, hindi pa naman ako ganun ka-tanda...hindi pa naman ako matanda excuse me. Haha. Nakakamiss lang kasi ung sobrang wala kang iniintindi sa buhay.