-->



Thursday, November 30, 2006

Panalangin 




Panalangin
-Moonstar 88

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko-oh
At hindi papayag, ang pusong ito
Mawala ka, sa ‘king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala ng iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulog ng pag-ibig
Nating dal’wa…
At sana naman makikinig ka
Kapag aking sasabihin
Minamahal kita… Ah

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko-oh
Yan ang panalangin ko-oh
At hindi papayag, ang pusong ito
Mawala ka, sa ‘king piling
Mahal ko iyong dinggin



Okei so bakit ko inilagay yang kantang yan?! Ah, hindi ko alam basta nasa isip ko na yan nung pagkagising ko. Haha. May koneksyon ata yan dun sa napanaginipan ko. Waaaahh!!!

Grabe, nagulat naman ako dun sa napanaginipan ko. Ngayon or kagabi ko lang kasi ako uli nagkaron ng ganung klaseng panaginip na tungkol sa bagay na yun. Shet! Akala ko totoo na yan. Waaaah. Harhar!

Ang setting nung panaginip ko eh sa school, sa may labas ng building namin dun sa area ng mga pav at benches. Tapos naalala ko pa na sobrang liwanag kahit na walang araw, cloudy pero sobrang liwanag. Kasama ko sina...hmmm, hindi ko masyadong maalala kung sino nga ba pero syempre mga college friends and classmates ko. Eniweiz, so ayun...may sinusulat daw ako at ginagamit kong desk ung isang bench nang biglang may lumapit sa akin na isang lalaking hindi ko kilala, nag-gigitara & kumakanta. Harana effect ba. Hindi ko maalala masyado pero parang yang kantang "Panalangin" ata ung kinakanta nya. (Waaaahhh!!! Nakakainis!) So ayun, nagreact daw ako na parang, "Shet. Alam ko na kung ano toh at kung sinu may gawa nito." Tapos napatingin ako dun sa mga kasama ko na lahat naman sila'y kinikilig. Haha. Okei, teka lang ah ung lalaking nanghaharana eh parang messenger lang. So after nung kanta nya eh inexplain nya kung sino ung nagpadala sa kanya and yes, tama nga ung nasa isip ko dun sa panaginip ko tapos may inabot sya sa'king sulat.

Dun sa panaginip ko eh alam na alam ko na kung sino talaga ung taong yun. Haha...so in other words eh damang-dama ko talaga! Haha. Joke. O di ayun na nga, binasa ko ung letter or should I say binasa namin ng friends ko ung sulat. Naaalala ko pa nga itsura eh. Yung papel na ginamit eh galing sa notebook pero ginupit ung isang side ung may butas butas. Three pages ung letter tapos naka-tape ung sides nya para magkakadikit, so parang isang mahabang papel sya kapag binuksan. Mahaba ung sulat, back to back tapos black sign pen pa ung ginamit. Haha. Talagang naalala ko. Hindi name ko or kahit anung name ung nakalagay sa start nung sulat eh, parang "To my --something--". Haha, mushiness noh?! Pormal pormalan. Haha. Joke. Hindi ko rin maalala ung exact contents nung letter pero ung mga nakalagay dun eh sobrang eksakto sa sitwasyon namin nung guy. As in inilabas na nya dun lahat ng mga gusto nyang sabihin sa'kin. Ito pa, sobrang luma na ung sulat...sa first page may nakalagay na date, parang June pa ata tapos sa second page eh September naman. Haha. Weird. Tapos eto pa ah, mali pa yung spelling ng pangalan ko. Ganito: CHRYSTENA or CHRYSE at un. Wait, I think CHRYSE nga ata un. Basta may "Y" ung name ko. Haha. Hay nako, kung sa totoong buhay un eh maiinsulto pa ko. Joke. Nakasulat ung name ko sa may upper right part nung first page tapos may naka-lettering dun na, "ILUVUILUVU". Haha! Puta!!!! At red pa ung pen na pinangsulat dun. Mushiness!!! Pero puta, kinikilig ako dun sa panaginip ko! Haha. Anak ng!!

Walang ending ung panaginip ko or hindi natapos kasi nga medyo nagising na ko. Hindi lumapit ung guy sa'kin sa panaginip ko pero alam ko kung nasaan sya nun. Haha. Malabo pero basta ganun. Ang weird noh. Sana sa panaginip ko eh sya na lang din ung nangharana at nagsabi nung mga laman nung sulat nya eh...okei kung hindi man nya masabi sana kahit nag-abot sya na lang din. Lam mo yun, kahit sa panaginip eh hindi nya ko malapitan at makausap eh. Pero atleast dyan sa panaginip kong yan nag-effort sya.

Shet. Nakakainis. Sayang! Panaginip lang pala. HAHA!
Tsktsktsk.





This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory