Today was our graduation pictorial or pictorial for graduation...whatever it's called. Haha. I arrived at Dapitan at around 9am, 8am ang original na usapan-ako pa ang nag-set nun. As usual of course, I was late. Hehe. Eniweiz, we went to Red Images at around 9:30 and probably we started dressing up plus ung make-up at around 10am. *Fast forward* At around 3pm we finally left the studio to go to SM San Lazaro and have lunch (late lunch).
Grabe, ang tagal noh? Tapos tignan mo, alas-tres na ng hapon, siyam pa lang kami na natatapos. Kami pa lang ung natapos nila pikturan sa buong araw na yun. Exagge! Eniwei, ganito kasi ung process una ung toga pic tapos ung formal (yeah, naka formal attire kami) and then may fashio shot (casual) pa. Package 2 un. Hindi ko naman kasi type ung package 1 na toga pix lang and ung package 3..super mahal noh tsaka andaming copies ng pix, alala ko tuloy parang nung high school. Wahaha. So, nagexplain pa talaga ko.
Kwento ko lang muna ah, nung sa make-up..grabe nanggigigil ung bading na make-up artist dun sa kilay ko! So ayun, inahit nya ung dulo...gusto nga nya kalbuhin eh pero sabi ko kasi hindi ako marunong mag-pencil ng kilay. Basta gusto nya ibahin ung pagka-arch kaya gusto nya kalbuhin. Hay. Sa huli, ayun frustrated pa rin sya kasi hindi nya nagawa ung gusto nya. Hello, yaw ko nga na kalbuhin nya, tama na ung shave lang. So etoh, nung sa toga pic..okei cge, ayos lang. Sila nagsabi kung paano magpopose. Pagdating dun sa formal shot, talagang shet kakaiba ung mga pinapagawang pose. Hindi naman sa kakaiba, hindi ko lang inexpect na ganun pala. Parang anu yun eh, mala-fashion shoot para sa isang magazine complete with the props and naman, may hangin effect. Haha! At oo talaga magpaparang ganun nga talaga kasi may mga nakita akong fashion magazines at dun nga sila siguro nagrerefer. Sa totoo lang sobrang hirap na hirap ako magpose. Feeling ko nun, nakakahiya and "Wah?! Ganun?!". Antagal ko nga sa dun sa mga formal shots nun eh. Dun sa fashion naman, medyo ayos lang...wala na lang akong paki kung anu ung ipagawang pose...para matapos na lang. Gutom na ko eh. Haha.
Pero in total fairness, sa kabuuan eh masaya naman. Wahaha. Nakakatuwa nga eh. Sobrang hindi ko talaga maikumpara dun sa grad pix namin nung high school, walang wala. Haha. Wish ko lang talaga na okei at maayos ung kalabasan ng pictures ko.