-->



Sunday, September 03, 2006

Drama 




Nagalit sa kin ang nanay ko nung Friday. Hindi naman kami nag-away...nagalit sya. Sobrang sama tuloy ng loob ko nun, actually hanggang kahapon nga eh. Dapat nga before ako pumasok sa skul kahapon eh makikipag-ayos na ko kaso lang eh hindi ako maka-tsempo. Tsaka natatakot rin kasi ako. Super guilty na nga ako nung Friday night eh kasi ba naman o di galit nga sya sa'kin diba pero ginawa pa rin nya ung mga things na ginagawa nya para sa'kin...para bang hindi sya galit. Naiyak ako sobrang. Feeling ko talaga sobrang sama ko tuloy. Anu ba kasi ang nangyari?! Ahmm...hehe, hindi ko na lang sasabihin. Basta mababaw lang at obviously, ako ung may kasalanan.

Sobrang hirap pala talaga mag-"sorry" noh?! As in gustong-gusto ko na sabihin pero ang hirap pa rin. Hindi naman sa ang taas ng pride ko or whatever. Naiisip ko kasi kung anung pwedeng maging reaksyon ng nanay ko eh kapag sinabi ko na kaya ayun tuloy, kinakabahan ako.

Eniweiz, okei na ang lahat nag-sorry na ko pag-uwi ko kagabi. Hehe. Mabuti na lang. Gumaang agad ang loob ko the moment na nasabi ko na nga tsaka back to normal na kami ulit.

Grabe.





This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory