Wah! Finally nakatulog na din ako kagabi. Infairness, medyo hindi ko pa nga naintindihan ung ending ng "My Girl" sa sobrang antok ko. As in tipong halos hindi ko na talaga mabukas or mapanatiling bukas ung mga mata ko habang nanonood. Wahaha. Exagge but it's true.
Eh paano ba naman kasi hindi ako natulog nung isang gabi (Wednesday) kaya ganun. Kasi ginagawa ko ung layout ng Magazine namin for Filipino tapos nagrerender pati ako nung perspective ng area3. *ehem* AVR pa un, madaming upuan. Waaah!
Pero shet talaga sobra, na-drain na ung energy ko sa paggawa ng magazine na yun. Buong araw nung Wednesday ko na ginagawa yun. Nung gabi ginawa ko naman yung thesis tapos nung 12mn binalikan ko ung mag. Infairness 7am na ng Thursday hindi ko pa tapos. Anak ng ewan! Pagpunta ko nga sa skul mga 1pm na yun siguro, itinuloy ko pa ang paggawa sa computer shop. Shet talaga!!! Halos 24 hours akong nasa harap ng computer!! I hated it but at the same time eh well...nag-enjoy rin naman ako. Wag na nating isama ang bitterness at kung anu dyan. Sobrang effrot, prelims kasi eh. Kelangan mataas grade namin dun!
Na-realize ko lang, mas gugustuhin ko magutom kaysa yung hindi matulog. Oo sobra. Ilang beses na rin akong hindi nagdidinner kasi pag-uwi ko sa bahay, wala tulog na ko agad. Kaya nga siguro nabawasan ako ng 5lbs since nagstart ang pasukan...or nagstart ako magpuyat ng dahil sa thesis. Isama pa ang stress!
Tsaka pansin ko lang, mas kinakaya kong pumasok sa school ng wala talagang tulog kaysa yung 1-2 hrs lang ung tulog ko. Ang weird eh pero mas may energy pa ko talaga kapag wala talagang tulog kaysa dun sa nakatulog lang ako ng ilang oras. Hehe.