Koreanovelas are for hopeless romantics—well that’s what they say. Hindi ko alam kung nag-aagree or disagree ako dun. Basically, nakakatuwa and mga Koreanovelas. Medyo uso ata sa kanila ang characters na may makulit at masayahng gurl na magkakagusto sa isang mayamang (at mayabang) dreamboy-type guy. Halos ganun ang mga characters pero and kabuuan ng istorya syempre, iba-iba. Hindi rin mawawala ang love triangle o minsan pa nga eh love square na mas lalong magpapacomplicate ng istorya.
Basically, kapag nanonood ka ng dramang ganito eh hindi mo maiiwasang
matuwa at mapangitin sa mga cute antics ng bidang babae—or minsan pati na yung bidang lalake. Kung papansinin pa nga parang pare-parehas nga talaga ang mga karakter ng mga bidang babae dahil sa mga kilos at galaw nila.
Syempre hindi naman mawawala ang kilig factor, na infairness eh lagpas pa nga minsa sa 100%. Kikiligin ka dahil simpleng nakakakilig o dahil sa nakakarelate ka sa sitwasyon. Nakakatawa na parang kuhang-kuha nila and mga sitwasyon o eksenang sa iba’y sa imagination lang nila naiisip. Maiinis ka pa nga dahil mabuti pa dun sa drama ay nagagawa ng bidang sabihin and kanyang tunay na nararamdama.
Ehem.Hindi naman masamang mahilig sa mga Koreanovelas. Kung tutuusin, mabuti pa nga ito dahil sa panonood nga mga ganito ay nakakalimutan panandali ang mga problemang iniisip. Nabubuhay ang imahinasyon, nawawala ang stress at kahit paano’y nadarama mo kung paano ang pakiramdam ng maging
“mushy” at kiligin.
Hmmm…so
Koreanovelas are indeed for the hopeless romatics. (....Like me?!)