Nagpunta kami sa SM Mall of Asia kanina. Expected na madaming tao, syempre opening day tapos dun pa nag-show ang SOP. Malapit lang kami dun tsaka wala lang gusto namin makita itsura kaya nagpunta kami.
On the way, sa Macapagal highway ata un (hehe, di ko sure sa name ng kalye na un) aba, infairness andaming kotse. Nagjojoke pa nga ako, sabi ko lahat yan papuntang Mall of Asia. Of course, tama ako. (Yabang! =P) Totoo naman eh, grabe puno na nga ata agad ung parking lots dun sa Mall mismo eh. Enihu, hindi naman problema ang parking kasi napakalaki naman ng space sa paligid ng mall. Medyo traffic pa nga sa pagpapark, samantalang andami ngang space kung san pwede magpark.
So ayun, pagdating namin sa
main entrance (at talagang dun pa talaga gusto pumasok ng parents ko), grabe andaming tao! Nagsisiksikan pa sila papasok. Para namang mauubusan ng oras at hindi na makakapasok. Hay. Parang concert ung dating eh. Parang entrance papasok ng Araneta kung san may concert ang Backstreet Boys. Haha! Actually, mas maayos pa nga ata ung sa concert kasi may pila eh doon wala. Pagpasok sa mall, mas madami pang tao! Sobra! As in parang wala ka nang personal space. Bawat hakbang mo may nakadikit na tao s'yo. Grabe talaga. Natatawa nga kami eh parang lahat ng tao sa buong Maynila andun na eh. Tapos ito pa, nung pagpasok namin nagtataka ako kung bat andaming taong may hawak na mga bulaklak. Pagtingin ko dun sa mga tindahan, ung mga malalaking flower arrangement dun kalbo na. So bale, mga dahon, paso & bamboo stands na lang ung natira. Haha! Halos sa lahat ng tindahan ganun na ung itsura. Hello naman! Pinagkukuha ng mga tao ung mga bulaklak. What the?!?
Eniwei, anung itsura nung mall?! Ahrmm...ineexpect ko na sobrang ganda. Na tipong pinakamagandang mall dito sa bansa, eh kasi
Mall of Asia nga diba?! Pero ewan ko, hindi ko kasi napansin un...sa dami kasi ng tao. Malaki nga...oo naman. May pagka sosyal actually ung itsura ng loob. Malaki ung daanan (pero di ko masyado na-feel kasi dami nga tao). Pero magulo. Magulo kasi malaki tapos madaming pasikot-sikot. Nakakalito actually. Parang
Alabang Town Center na may open space. Malaki ung skating rink. Olympic size na ba?! Hrmm..hindi ko lang alam. Gusto kong madanood ng movie dun. Malaki kasi ung screen, IMAX screen 8-storey high tapos IMAX 3D pa. (Basta ganun daw ung tawag) Wow, sosyal!
Actually, okei din magshopping dun kasi nakaayos ung stores according sa kung anung klaseng store or kung anung binebenta dun sa store na un. So mas okei na kapag magshoshopping ka sa Mall of Asia eh alam mo na kung anung bibilhin mo para hindi ka mahirapan. Pero kelangan din naman na alam mo kung saan un. Hahaha.
Hrmm...madami pa rin kayang pupunta dun after a month?! Share ko lang, sabi ng mom ko "Wag kayong pupunta dun pag tag-ulan na, baka mamaya lumubog.". Sabi nga kaya daw na-delay ung opening nung mall eh dahil lumubog ung isang part...? Hmmm...ndi ako sure kung totoo nga un. Mabuti na lang at hindi lumubog nung Linggo, sa dami ng tao.