-->



Friday, January 13, 2006

Gerber-AaahH!!! ^_~ 




Yun nanaman ang sasabihin ko...andaming plates! Andami pa rin naming gagawin na plan. Hay naku. O well, wag muna un. Magkkwento muna ko...

Last Wednesday, sabi ko nga eh first time namin gagawa ng flower arrangement sa IPFA. So nung umaga, dumiretso ako sa Dangwa para bumili nung flowers. Andami ko binili, di lang naman kasi ako ung gagamit. Natakot pa nga ako, di ko malaman kung panu ko dadalhin pabalik ng UST un. Buti na lang, dun sa last ko na binilhan--actually nung una nagtatanung lang ako kung magkano-- sinabi na ihahatid na lang daw ako ng tricycle, kakilala ata nila ung may tricycle. Haha, eh panu ba naman kasi sinabi ko na hindi ko na lang bibilhin ung tinatanung ko kasi malaki masyado tsaka di ko na madadala.

So all in all ang mga binili ko nun:
* 2 dozens assorted Malaysian Mums
* 1 dozen Gerbera --talagang naghanap ako ng Fushia para bright ung kulay...tsaka para masaya! Hahaha!
* 2 Lilium -- orange & white
* 1 bunch Dancing Ladies -- pinilit ako na bilhin, eh ayoko kasi mahal so binawasan nya ng P30. Hehe!
* 3 bunches of aster; 2 bunches ng color white, 1 bunch ng purple
* 2 bunches palmera
* 1 bunch ng hindi ko alam na dahon...lemon something daw.

O dibah?! Shopping talaga eh noh! Haha! Una ko talagang binili ung Malaysian Mums & Aster un pa nga lang di ko na lam kung panu dadalhin eh. Haha.
Hindi naman lahat para sa kin un. Tatlo naman kami na nagshare dun.

So eniweiz, anu naman ang naging result ng flower arrangement?! Ah..ok lang naman. Haha. Hindi naman "Super wow!" nor "Disaster" ung gawa ko. Ewan ko...basta para sa kin okei! Haha. Sabi nga lang ng prof medyo nagmukhang isiningit lang ung dahon ko. Hogarth arrangement kasi-- letter S form. Di ko rin naman kasi gets kung panu ilagay ung dahon eh. Haha! Pero infairness, masaya mag-arrange ng flowerz/gumawa ng arrangements. Promise, nakakatuwa! Di ko na talaga iniisip ung nagastos namin. Cool.

Meron kami uli next week. Natutuwa na ko.



Oo na, tanga na. Eng-eng pa nga daw. Okei fine. Gawin pa nating stupid. Tinatanggap ko naman eh.

Malay ko ba naman kasi!!!

Ewan ko, hindi ko alam. Pwede bang wag na lang nating pag-usapan?

Haha. Joke lang. Cge, pag-usapan natin...I mean, ikukwento ko.

*EHEM*

Basta, hindi ko talaga alam. Na-wirdohan pa nga ako slight eh. Bigla-bigla na lang kasi. Malay ko ba kung kami/ako talaga un. Eh kung hindi tapos nag-react ako o di napahiya ako. Kaso sa nangyari parang, it's the other way around...tapos no reaction ako at nagui-guilty ako...? Waaaaahh!!!

Nakakainis.

Nakakainis talaga.

Ako.

Naiinis ako sa sarili ko.




This page is 

powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com Blogarama - The 

Blog Directory Blog Directory Blog search directory